My Family: si papa, si mama, si ako, si corin at si rj
kuha yan kagabi... wla lang... sayang at wala si ate lhen, nasa bahay kasi ng mga in-laws nya... ako yung naka-white jan hehe! yan ang aking pamilya, da people i grew up with...
ang aking ama...si Capt. Reynaldo Aurelio Colendres, super strict at snobbish hehe!.... dapat kung papadalhan mo sha ng invitation (mapa-wedding, birthday, baptismal invitation) it should be addressed as Capt. Reynaldo Colendres, he doesn't want to be called MR. Reynaldo Colendres... maarte eh... reason: "I worked hard for that status, I deserve it"... okay!..... I grew up not to be a "supeeeerrr Papa's girl" i assume, i only get things i deserve.... papa never spoiled any of his children.... not until baby corin came to the picture (she seems to change papa's character)... papa and i can talk almost everything, yung mga issue na sobrang hirap i-brought up (emotions and everything) we communicate thru letters na lang.... i received many letters from papa kasi di sha mashado showy sa kanyang emotions... thanks sa txt today dahil mas real-time ang mga message nya unlike before na 1week or more week old na... although super strict si papa, super good provider naman sha... kapag hindi kaya ng budget... "hayaan mo pag-iipunan natin" dialog nyan o di kaya "kelangan mo ba tlga nyan"... we are not a rich family... middle class lang, cguro lower than middle class pa nga (sub middle class?) enough na yung kumakain ng 3times a day at may panaka-nakang snacks on the side... di kami yung pamilyang kumakain sa mamahaling restaurant.... bonding moments namin ay yung matulog sa iisang kwarto, tipid na sa kuryente, sama-sama pa kami (i missed those days) ..... actually lumaki akong once or thrice a week at most lang nakikita ang papa ko but i never felt na napabayaan kami both financially at emotionally... although most of the times (graduation, birthdays) wla si papa, he always make you feel his presence... bakit ba inimbento ang phone?... simpleng tao lng si papa, sabi niya nga "di na ako umaasang yumaman, mapagtapos ko lng kayong lahat masaya na ako"... at shempre para mapasaya ang aking itay, nagtapos ako (B.S. Computer Science).... nung maliit ako sabi ko kay papa "....alam mo ba ikaw ang number one guy sa buhay ko, pag nagka-asawa ako, number 2 lang sha..." ang sabi ng papa ko "mas gus2 kong number 2 ako, ang asawa mo dapat ang number one kasi magiging katulong mo sha sa pagbuo ng iyong pamilya".... alam ko darating ang panahon na i'll meet my "number 1" at ang dada Jb ko na yun hehe! but then papa will always be the number 1 father in my world... life's lesson from my papa "matuto tayong makontento sa mga materyal na bagay na kayang ibigay sa atin ng mga taong nasa paligid natin, kung hindi ka makontento gumawa ka ng paraan para makamit mo ang bagay na gusto mo, wag mong iasa sa iba ang mga bagay na gusto mo para sa sarili mo" at shempre ang pinaka-isinasabuhay kong turo ng aking ama "Gawin mo lang ang mga bagay na kaya mong panindigan"...
ang aking ina....
si Maria Immaculada Concepcion Bernaldes Colendres, Connie for short... si mama, ang pinaka-caring na ina na nakilala ko (shempre nanay ko yan eh) though home making is not her forte.... money-making she excel best... businesswoman yta toh! sabi nga ni papa, si mama best partner nya (parang may ibang partner pa sha eh hehe! shempre mama na ang da best kasi un lang naman partner nya sa buhay) although 7yrs younger ang mama ko kay papa, she had show her best not only being a wife but being our mother.... mama is 21 yrs old when she got married... akalain mo with the age of 22 (same as my age) she's already raising her kid! i picture my mother as my wonderwoman... she always makes things easy for her children... she never lets me wash dishes, laundry clothes or even clean our house (but not my own room, i should clean my own room) for the simple reason that, "bata yan eh" (good for me... during those times)... papa always complaining to mama why didn't i get to know how to wash dishes or even cook rice.... huwwaahh! i remembered da time when we don't have any maid.... papa asked me to cook rice... at wala si ate sa bahay (ate lhen-my sister is the family's home maker, she enjoys all the task regarding house keeping) pucha, kabado ako to death dahil di ako marunong magsaing kahit gumamit ng rice cooker.... tinawagan ko pa ung friend ko para magtanong pano magsaing at pano gumamit ng rice cooker.... the heck! sobrang hiyang hiya ako.... at the age of 16 wala man lang akong alam gawin.... huwaaah! .... i never blaim my mama for not teaching me how to do home stuff... basta ang sabi nya "mag-aral ka lang mabuti at maghanap ng trabaho para gumanda ang buhay mo ng sa ganun maka-hire ka ng katulong na mangangalaga ng bahay mo".... kahit sabihin pang, mama is not like a typical mom who cooks food for her kids, laundry her kids clothes, clean the house.... i never thinked less about my mama... though she never does those things, she indeed make sure that i eat well, she always make sure that my clothes were washed, ironed and keeped well, she always make sure that i arrived and went home from skul well.... mama had been our school driver since when we don't have money to hire for a driver hehe! up to this moment si mama pa rin ang naghahatid at nagsusundo sa dalawang kapatid ko.... at minsan kapag morning shift ako 5:30am hinahatid nya ako sa ofis.... si mama, doctor mom yan.... never pa akong na-ospital due to fever... laging prepared sa mga gamot yan... sabihin mo lang kung anong masakit sayo alam niya ang igagamot sayo... i'm very much open sa mama ko, may mga bagay na di ko masabi sa papa ko na nasasabi ko sa mama ko harap harapan... compare kay papa, si mama ang madalas kong ka-argue pero i NEVER raised my voice on her... sasagot lang ako pero di pasigaw.... every morning kapag uuwi ako from the ofis (kung gising na sha) tsismisan galore kami nyan, tungkol sa mga aning aning na bagay... si mama ang taong, who showed soooo much trust on me.... corey joy will always be her mother's daughter...
si ate...
Helen Colendres Bermejo.... she got married 1 sem before her graduation, because she got pregnant hehe! buking! si ate ang mayordoma sa bahay... ewan ko ba kung ano ang meron sa kusina at gustong gusto nyang tumambay dun.... at ewan ko ba kung anong meron sa walis at basahan at gustong gusto nyang hawakan.... ate lhen is a typical housewife.... kahit nung maliliit pa kami, may pagka-motherly na yan, kaya nga i respect her as my old sister... nung maliit pa kami takot tlga ako kay ate kasi disciplinarian yan, 2nd mom ng bahay... kaya cguro di kami madalas mag-away nun kasi kahit 3 years lang ang age gap namin napaka-mature na niya... opposite kami ng ugali nyang ate ko eh... she loves to stay home, mag-ayos ayos, magluto luto while ako.... loves also to stay home to sleep hehe! i preferred to be busy outside... school, library at mall shempre (school days un) pero ngyon... loves ko pa ring stay at home.... sleeping pa rin pero minus malling at library na kasi i don't get my 10+ sleeping hours because of work... duh! my body is already getting used of 5-6hrs of sleep... very unlikely para sa akin (ako pa ba ito?) nways... i have a niece now... si julia rhienne, 3yrs old.... soooo kuliit at daldal....
si rj....
reycon jon colendres....my ever pasaway na utol... si rj ang madalas kong kaaway when we are younger, since matured na ako ngyon di ko na pinapatulan hehe! kahit to the highest level ang pagkapasaway ni rj... partner in crime ko yan pag dating sa sports... hindi kami madalas mag-away over da television nyan kasi we both enjoyed watching basketball, espn channel, solar sports channel.... when we are part of the taekwondo team ng LCC, favorite sparring partner ko yan kasi tutuhanang laban talga... i remember one day, nag-away kami sa bahay at nauwi sa sipaan haha! bugbugan tlga... wlang ate ate, wlang babae babae, wlang bata bata... maling ilag, sapol ka ng fying kick, side kick or 45kick hehe! ganyan kami mag-away dati bugbugan pero wlang sumbungan... tatanong na lang si mama, bkit ganyan itsura nyo... sabay sagot "nag-praktis lang kami" hahaa!
si bunso...
corheinne joyce colendres.... ako nag-pangalan jan! nagtampo pa nga si papa kasi gusto nyang name for corin is rheinne joyce (pronounce as "reney" joyce) kaso wla sha sa hospital nung tinatanong ng nurse ang name ng baby for registration, kaya sabi ni mama tawagan ko si papa to ask... then due to my naughtyness sabi ko kay mama "corheinne joyce daw sabi ni papa" haha! but then she got a nice name pa rin... i do that because i wanted us to be both "CJ" hehe! corin grew up to be the family's clown (shempre bunso) sabi nga ni mama, she looks like me nung ganun ako kaliit kaso very opposite ang ugali.... im a timid shy type kid (believe me dats true) before... and corin is super ma-PR na bata, entertainer ng mga bisita, makwento...she started going to skul at the age of 2... kasi she's da only one left at home, everyone is in skul... kaya today at the age of 6 she's already grade 2.... im very proud of my lil sister's achievement, first year nya sa skul (2yrs.old) we all doubt na matatapos niya ang schooling, too young pa nga daw sabi ni papa baka ma-bore kaagad.... but then she all surprised us kasi natapos nya ang nursery at 2nd honor! go to the next level kinder 1.... she graduated 1st honor.... then kinder 2, class valedictorian, and im the one who prepared the speech hehe! then grade1... 4th honor lang sha... she was soooo disappointed, sabi nung teacher nya, "na-politika kasi" we don't bothered to question the school eventhough one of her teachers give such statement.... lipat na lang kami ng school.... sa La Consolacion College-Caloocan, ang skul ni ate joy at kuya rj.... corin will be celebrating her 7th bday this september... will upload the pix at my flickr :)
haha! ang haba pala nitong post na itets hehe!