sa isang silid aklatan sa may kanto ng Kalaw andun ang aking feyborit na libro, tatlong beses sa isang linggo ko lng sha maaring mabasa iyun ay tuwing biyernes, sabado at linggo, sa mga kadahilanang:
- lunes at martes: araw ng aking pahinga, walang trabaho at umuuwi ako sa aming probinsya
- miyerkules at huwebes: sa hindi maipaliwanag na dahilan sarado ang laybrari sa mga ganitong araw (
halatang kwentong barbero eh)
naiinis ako sa araw na ito sapagkat ngyon ay biyernes, tignan mo pa sa kalendaryo

pumunta ako sa may Kalaw para dalawin ang paborito kong aklat, ewan ko ba kahit paulit-ulit ko itong basahin hindi nakakasawang damhin... saktong kukunin ko na ang aking paboritong aklat sa buksyelf ng isang kamay ng matandang babae ang biglang humila nito... anak ng!.... lumapit ako sa laybrariyan, "ate, kanina pa ba yang babaeng yan dito?" tanong ko, umaasang aalis na din agad ang bruhang ito at ibabalik na niya sa buksyelf ang feyborit kong libro... "hmmmm, siya po ang may-ari nitong aklatan kaya dito po sya nakatira" sagot ni binibining laybrariyan... "ANO!!!!!! alas-dos na ah, anak ng! wala bang balak magmerienda muna yan?"
makalipas ang isang oras na nakatingin sa kawalan, ayaw ko kasing magbasa ng ibang libro gusto ko si peyborit buk lng ang dadalawin ko dito. napag-isipan ko na umalis na sapagkat mukhang di na bibitawan ni matandang babae ang paborito kong libro... haaaay! malungkot akong umuwi

bumalik ako kinabukasan (
barberong barbero na ung kwento ko hehehe!), eksayted pa man din ako dahil hindi ko nabasa si paboritong aklat kahapon. nang tignan ko si feyborit buk sa lalagyan nya... "naku! wala ito! anak ng! asan na?"... nagtanong ako kay ate, ayun o nasa isang babae... laking gulat ko't sha na nman ang may hawak ng feyborit buk ko... at umuwi na naman akong biguan
at ako'y muling nagbalik
(wag na kayong maniwala charing lng tong kwentong ito!) upang muling mabigo... linggo na ngayon, di ko makikita si peyborit buk ko sa susunod na apat na araw... anong klaseng isang linggo meron ba ako?
habang nasa daan ako pauwi pinag-iisipan kong mabuti ang pangyayari, ito ang tumakbo sa aking isipan:
- "bakit naman sa dinami dami ng araw hindi pa ipagkaloob sa akin ang tatlong araw ko" - kasi dito naman sha naninirahan sa silid aklatan bakit di na lng niya basahin si peyborit buk ko ng lunes, martes, miyerkules o huwebes pa... bakit kelangang sa tatlong araw ko pa! nakakainis tlaga
- "paano na lang kapag nag-iba ang eskeydyul ko?" - bukas ba sila kung pang gabi nako... pede ko bang makasama ang peyborit buk ko kapag alas-otso ng gabi hanggang alas-singko na ng umaga ang pasok ko? pagbubuksan ba nila ako para makita't mabasa si peyborit buk ko
tatlong araw lng naman ang hinihingi ko... sa isang linggo mayroong pitong araw... kalabisan na ba kung akin na lng ang tatlong araw na makasama ka... siguro nga madamot ako... paborito kasi kita eh... di bale masasanay din siguro ako...