yan ang pintuan ng aking hide-out aka aking kwarto... hephephep... di pa ako magpapaalam sa aking kwarto noh, balak ko lang shang i-under go sa isang make-over... kaya dapat ko shang i-blog para may before and after look hihi!wish ko lang ay magawa ko ito bago matapos ang taong ito :)
eto naman ang aking kama, shempre jan ako natutulog ng 15 hours hehe! multi-purpose yang kama ko... nagiging dining table minsan... no wonder nilalagam ako.... nagiging workstation ko din hehe.. tinatabi ko kasi minsan sa pagtulog si my precious... ang aking laptop :)
yan naman ang aking nakakahiya at napakagulong damitan... minsan ko lang naaayos yan... mga once or twice or thrice a year... kapag sinisipag... kapag madaming bagong damit... kapag pinapagalitan na ni papa hehe! ewan ko ba kung bakit napakagulo nyan??? may dumaan cgurong bagyo :0
yan naman ang aking telebisyon... minana ko sa aking tatay... sabi nya nga ingatan ko yan kasi mas matanda pa daw sa akin yan... kuya ikaw ba yan?? pero in fairness kahit may pagka-antique na yan di mahahalata kasi malinaw pa rin yan... pero shempre di sha cable ready hihi! kaya local channel lng napapanood ko :)
e2 naman ang pintuan patungong banyo... sarado kasi kasalukuyang naliligo ang aking ateh censored hehe! share kasi kami sa banyo ng ate ko... panu nangyari yun? yung kabilang pintuan ng banyo daan papunta sa kwarto ng ate ko ;) e2 naman ang work station ko... dapat... kaso naging magazine rack hehe! jan nakalagay ang collection ko ng cosmo magazine... i started collecting cosmo when i was 19 yrs old... i first collected candy mag and then seventeen tpos nung feel ko dalaga na ako... cosmo na hehe!
yan naman ang side table ko kung saan nakalagay ang telephone ko at ang cellphone ko kaya kapag tulog ako at may tumawag shempre gising kaya binubunot ko yung kable ng telepono kapag matutulog nako... yang side table ko din naging shoe rack na ang ilalim, pagdating kasi from work tpon ko na lang jan shoes ko hehe! my laziness.. :)
wish ko lang bago magtapos ang taong ito maayos ko ang aking kwarto hehe! yan ang lungga ni corey sa tahanan ng mga colendres hihi! :)
Tuesday, September 12, 2006
coming out from my shell
Posted by CoreyNiJoy at 10:08 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 Comment:
oi! daming tinatagong m&ms ng kwartong ito ah! m&m, as in memories and mysteries.. hahaha! miss na kita jojoy! thanks so much nga pala dun sa movie.. natouched me dun ah.. alavet! chika ko nga ky mei eh.. lam mu ba mejo teary-eyed pa ko nung kwento ko sa knya un tapos reply ba naman sa kin isang mahabang "wahahahahaha".. tlga un! sumbong eh noh. hehe. so, mama na ni tots nagsusumbong ngaun. hayyy.. bawi me pagnakahanap ng magandang pambawi.. hanU?! hehe.. cge kita-kits na lng on sunday. :)
Post a Comment