Wednesday, September 05, 2007

alam mo ba?

hindi lahat ng tahimik, walang pakialam.
hindi lahat ng maingay, may sinasabi.
hindi lahat ng makata, umiibig.
hindi lahat ng madungis, madumi.
hindi lahat ng kasama mo, kaibigan mo.
hindi lahat ng kumo-kontra sayo, kaaway mo.
hindi lahat ng nagmamahal, tanga.
hindi lahat ng nagpaparaya, nanghihinayang.
hindi lahat ng nabibigo, nakakabangon.
hindi lahat ng umaasa, nabibigo.
hindi lahat ng naghahanap, nakakakita.
hindi lahat ng naglalakbay, nakararating.
hindi lahat ng nagbibibigay, nakatatanggap.
hindi lahat ng umiiyak, malungkot.
hindi lahat ng tumatawa, masaya.
at hindi lahat ng bagay, dapat pang sabihin.

hindi lahat ng bagay, dapat pang sabihin.... hmmm, mukhang mahirap yan for me kaya ko kayang gawin yan? minsan kasi nagsasabi ka lng ng nararamdaman mo may nasasaktan na pala kaya minsan tlga mga bagay na hindi na dapat sinasabi

ako kasi ang taong i appreciate honesty, kahit anong sakit yan tatanggapin ko, yan ang totoo eh kesa nman masaya nga ako puro naman kasinungalingan... at hindi lahat ng tao appreciated si honesty...

pag sinasabi mo ang nararamdaman mo o napapansin mo may masasaktan ka... better to keep it to yourself, no complains, no suggestions, no reactions, wla ka pang nasaktan... pero maghintay ka't bukas makalawa sasabog kana lng bwahahahahah!

"ako ba yan?"

0 Comments: